Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay ni Dexter Dimaculangan(pinoy pride kunware)







Me My self and I
Ako si Dexter Dimaculangan, labing anim na taong gulang . Nakatira ako sa Barangay San Gregorio, San Pablo City. Apat kami magkakapatid at ako ang pinakabunso. Ang aking mga magulang ay sina G.Venancio at Gng.Josefina Dimaculangan                                                              

Ako ay nagsimulang pumasok sa eskwelahan noong ako ay anim na taon palang. Hindi na ako nagpapabantay nung akoy nasa eskwelahan ng day - care ang guro namin ay guro pa din ng mga kapatid ko. Ako ay umuwi mag-isa noon dahil malapit lang sa bahay namin ang eskwelahan.
Ako at ang ate ko
Nung ako ay nasa ikalawang baitang doon ako una humanga sa isang babae, ang pangalan niya ay gladys, masaya ako pagnakikita  at  nakakasama ko siya, palagi ko siya inaakbayan at sabay kami mag-reses , kaso nung umalis siya para mag-aral sa maynila, nalungkot ako naiyak.At sa tagal ng panahon nalimutan ko din siya,nalaman ko din na may nobyo na siya doon sa maynila.

Ako at kuya ko
 Nang ako ay pumasok ng elementarya doon ako mas naging matapang, di ako natakot pumasok sa mas malaki eskwelahan bagkus pinilit ko makahanap ng mga bagong kaibigan.

Isa sa mga naalala kong guro ko ay guro ko noong nasa unang baitang, dahil sinabi  niya  sa amin ng mga kaklase ko na ang gaas ay mabango at tinatanga pa ako dahil sinuway ko ang sinabi niya.

Ako at ang pamangkin kong si a.j
Itinuon ko ang mundo ko sa pag - aaral at sa isport  nung ako ay nasa ikatlong baitang. At nung akoy nasa ika-apat na baitang isa ako sa pinakamakulit na estudyante noon, sa sobrang kulit, di ko sinsadyang mabasag ko ang ilaw ng aming silid - aralan, pagdating sa bahay sinabi ko agad ito sa aking ama, sa una napagalitan ako, humingi ako ng patawad dahil, sa kalikutan ko ay nagkagastos ako at pinaltan ng bago ang ilaw na nabasag.At nung nasa ika-limang baitang mas marami pa ako natutunan.  At dito ako nagsimula maglaro ng sipa arnis.

Ako at badge ng 4j
Ang sipa arnis ay  isang uri ng isport na ginagamitan  ng ratan na kahoy bilang pamalo at dipensa ng katawan  sa pamamagitan ng pag-sipa. Palagi kami nageensayo kasama ang aming treynor namin na si G. Palasyo.At nang ako ay tumungtong ng ika-anim na baitang ay nagsimula ako mahumaling sa  laro at isport na Taekwondo. May  mga tornameto kami nsasalihan noon at nakakapag - uwi ako ng pilak para sa eskwelahan isang karangalan para saming lahat. Isa sa malungkot na sandali sa buhay elementarya ay ang araw ng pagtatapos, kung saan kaylangan magpaalam sa marami mong kaibagan.Anim na taon ang nilampasan  pero lahat ata talaga humahanatong sa ganun sitwasyon.

Marami sa mga kaibigan ko ay nasa ibang lugar, lumipat ng bahay, at ung iba hindi nagtuloy ng pag-aaral. Nagpapasalamat din ako sa mga guro ko na nagtiyaga na magturo saming estudyante na makulit at pilyo.Naisip ko swerte ako at pupunta  na ako sa mas magandang antas ng aking buhay, Ang pag-aaral sa Sekondarya. Mas malaking hamon ito dahil sasakay na ako ng tricycle pagpasok di katulad dati na nilalakad ko lang.  Masaya ako dahil alam ko mas marami na ulit ako magiging kaibigan.Dito sa unang antas  ay naging adbayser ko o tagapayo ang  makulit, kwela pero mabait n si Gng. Lucido.Mahirap sa una dahil nangangapa ka pa sa bagong lugar, mas maraming tao at mas malalaking gusali ang makikita.

Dito sa antas na ito una ako nakapunta sa "LAKE" Dating Capital ng San Pablo haha..pero wala ako naka-date doon mga kaklase ko ang kasama ko nang bisikleta kami hanggang sa di namalayan ang oras, nahuli kami sa susunod na klase.Nung ako ay nasa ikatlong antas dun ako nagsimula maglaro ng boxing.

Ilang kompetisyon na ang nalamapasan sa awa ng diyos ito masaya at ligtas ko nalampasan, nakapunta na ako ng Tayabas Quezon para sa Nothern at Southern Amatuer Boxing. Nakuha ko ang tanso medalya. Ang sumunod ay sa Subic Bay para din sa Nothern at Southern Amatuer Boxing. Doon nakakuha ako ng isa pang tanso at ang pinkabagong laban ay ngayon nasa ika-apat na antas na ako. Ito ay ginanap sa Misamis Oriental, Cagayan De Oro.Para  National Championship of Amateur Boxing.
Nung ako ay pumunta sa Cagayan

Dito wala ako nakuha dahil sa sobrang higpit ng labanan at tunay napkaraming magagaling na bosengerong pinoy.Ngayon patuloy ang aking pag-eensayo para mas maabot ko pa ang mga pangarap ko. Malapit na ulit ang araw ng pagtatapos isang malungkot na yugto ng aming buhay eskwela. Nawa sa pamamagitan ng blog na ito ay maipasa ko ang proyektong inatas ng aking guro si G. Lacsam. Salamat po sa mga makabagong inpormasyon at teknik sa mga makabago teknolohiya tulad ng internet. Mas marami na po ako ngayong nagagawa at napapabilis na takdang aralin dahil sa internet. Masaya po ako at isa ako sa mga estudyante na nabigyang pagkakataon matuto kasama kayo.

1 comment: