Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay ni Dexter Dimaculangan(pinoy pride kunware)







Me My self and I
Ako si Dexter Dimaculangan, labing anim na taong gulang . Nakatira ako sa Barangay San Gregorio, San Pablo City. Apat kami magkakapatid at ako ang pinakabunso. Ang aking mga magulang ay sina G.Venancio at Gng.Josefina Dimaculangan                                                              

Ako ay nagsimulang pumasok sa eskwelahan noong ako ay anim na taon palang. Hindi na ako nagpapabantay nung akoy nasa eskwelahan ng day - care ang guro namin ay guro pa din ng mga kapatid ko. Ako ay umuwi mag-isa noon dahil malapit lang sa bahay namin ang eskwelahan.
Ako at ang ate ko
Nung ako ay nasa ikalawang baitang doon ako una humanga sa isang babae, ang pangalan niya ay gladys, masaya ako pagnakikita  at  nakakasama ko siya, palagi ko siya inaakbayan at sabay kami mag-reses , kaso nung umalis siya para mag-aral sa maynila, nalungkot ako naiyak.At sa tagal ng panahon nalimutan ko din siya,nalaman ko din na may nobyo na siya doon sa maynila.

Ako at kuya ko
 Nang ako ay pumasok ng elementarya doon ako mas naging matapang, di ako natakot pumasok sa mas malaki eskwelahan bagkus pinilit ko makahanap ng mga bagong kaibigan.

Isa sa mga naalala kong guro ko ay guro ko noong nasa unang baitang, dahil sinabi  niya  sa amin ng mga kaklase ko na ang gaas ay mabango at tinatanga pa ako dahil sinuway ko ang sinabi niya.

Ako at ang pamangkin kong si a.j
Itinuon ko ang mundo ko sa pag - aaral at sa isport  nung ako ay nasa ikatlong baitang. At nung akoy nasa ika-apat na baitang isa ako sa pinakamakulit na estudyante noon, sa sobrang kulit, di ko sinsadyang mabasag ko ang ilaw ng aming silid - aralan, pagdating sa bahay sinabi ko agad ito sa aking ama, sa una napagalitan ako, humingi ako ng patawad dahil, sa kalikutan ko ay nagkagastos ako at pinaltan ng bago ang ilaw na nabasag.At nung nasa ika-limang baitang mas marami pa ako natutunan.  At dito ako nagsimula maglaro ng sipa arnis.

Ako at badge ng 4j
Ang sipa arnis ay  isang uri ng isport na ginagamitan  ng ratan na kahoy bilang pamalo at dipensa ng katawan  sa pamamagitan ng pag-sipa. Palagi kami nageensayo kasama ang aming treynor namin na si G. Palasyo.At nang ako ay tumungtong ng ika-anim na baitang ay nagsimula ako mahumaling sa  laro at isport na Taekwondo. May  mga tornameto kami nsasalihan noon at nakakapag - uwi ako ng pilak para sa eskwelahan isang karangalan para saming lahat. Isa sa malungkot na sandali sa buhay elementarya ay ang araw ng pagtatapos, kung saan kaylangan magpaalam sa marami mong kaibagan.Anim na taon ang nilampasan  pero lahat ata talaga humahanatong sa ganun sitwasyon.

Marami sa mga kaibigan ko ay nasa ibang lugar, lumipat ng bahay, at ung iba hindi nagtuloy ng pag-aaral. Nagpapasalamat din ako sa mga guro ko na nagtiyaga na magturo saming estudyante na makulit at pilyo.Naisip ko swerte ako at pupunta  na ako sa mas magandang antas ng aking buhay, Ang pag-aaral sa Sekondarya. Mas malaking hamon ito dahil sasakay na ako ng tricycle pagpasok di katulad dati na nilalakad ko lang.  Masaya ako dahil alam ko mas marami na ulit ako magiging kaibigan.Dito sa unang antas  ay naging adbayser ko o tagapayo ang  makulit, kwela pero mabait n si Gng. Lucido.Mahirap sa una dahil nangangapa ka pa sa bagong lugar, mas maraming tao at mas malalaking gusali ang makikita.

Dito sa antas na ito una ako nakapunta sa "LAKE" Dating Capital ng San Pablo haha..pero wala ako naka-date doon mga kaklase ko ang kasama ko nang bisikleta kami hanggang sa di namalayan ang oras, nahuli kami sa susunod na klase.Nung ako ay nasa ikatlong antas dun ako nagsimula maglaro ng boxing.

Ilang kompetisyon na ang nalamapasan sa awa ng diyos ito masaya at ligtas ko nalampasan, nakapunta na ako ng Tayabas Quezon para sa Nothern at Southern Amatuer Boxing. Nakuha ko ang tanso medalya. Ang sumunod ay sa Subic Bay para din sa Nothern at Southern Amatuer Boxing. Doon nakakuha ako ng isa pang tanso at ang pinkabagong laban ay ngayon nasa ika-apat na antas na ako. Ito ay ginanap sa Misamis Oriental, Cagayan De Oro.Para  National Championship of Amateur Boxing.
Nung ako ay pumunta sa Cagayan

Dito wala ako nakuha dahil sa sobrang higpit ng labanan at tunay napkaraming magagaling na bosengerong pinoy.Ngayon patuloy ang aking pag-eensayo para mas maabot ko pa ang mga pangarap ko. Malapit na ulit ang araw ng pagtatapos isang malungkot na yugto ng aming buhay eskwela. Nawa sa pamamagitan ng blog na ito ay maipasa ko ang proyektong inatas ng aking guro si G. Lacsam. Salamat po sa mga makabagong inpormasyon at teknik sa mga makabago teknolohiya tulad ng internet. Mas marami na po ako ngayong nagagawa at napapabilis na takdang aralin dahil sa internet. Masaya po ako at isa ako sa mga estudyante na nabigyang pagkakataon matuto kasama kayo.

Sunday, February 20, 2011

COMPLICATED(Talambuhay ni Diane Carla A. Opeña)

me, my self and I

              
           Ako si Diane Carla A. Opeña mas kilala sa tawag na Yanna. Ipinanganak ako noong Septemger 14, 1992. Bunga ako ng pagmamahalan nila Nelia at Johnny, ang aking mga magulang. Pero sabi ng mga mapanghusga anak daw ako ng pagkakasala. Kahit pa yama sila masakit pa din tanggapin ang katotohanan. Sa araw ng aking pagsilang nagging lubos ang kaligayahan ng aking pamilya, lalo na ng aking ina. Lmaki ako ng hindi ko man lang nakasamaang aking ama kaya madalas akong tuksuhin noon ng “putok sa buho”. Never nagkwento sa akin ang mother ko about sa father ko, kahit sino sa mga kamag anak ko wala akong makuhanan ng impormasyon. Hanggang sa dumating yung time na nagsawa na din ako sa kakatatanong sa kanila. Habang lumalaki ako sagana ako sa lahat na bagay, nasanay din ako ng nakukuha ko ang lakat ng gusto ko, binansagan nga nila akong spoiled brat.

my self
         Bilang isang single-parent lahat ginawa ni mama upang mabigyan nya ako ng magandang kinabukasan. Sa klase ng trabaho ni mama hindi nalalayo ang kamatayan. Kaya nagdesisyon sya na doon na lang ako patirahin sa lola ko (tita ng mother ko) sa Maynila. Masaya ang nagging buhay ko doon kung saan saan kame pumunta. Lahat ng gusto binibigay nila pero syempre pera ng mother ko ang ginagastos nila. Inakala ko nga noon na lahat ng nararanasan kong ginhawa ay pang matagalan na, hindi pala dahil ng lahat ng iyon ay may hagganan. May of 2005 ng mag away ang mother at lola ko. At ang hidwaang iyon ang nagging ugat kaya nagkagulo ang pamilya naming. Doon na nagsimula ang lahat; nagging bugnutin na si mama hanggasn sa pati trabaho nya napabayaan na nya. Noong mga panahong yun naitanong ko sa sarili ko, kung kasama kaya nnamin ang father ko magiging ganoon kaya kame kamiserable?

ako at ang aking childhood friend
           Bunga ng lahat ng kaguluhan nagging rebelde ako noon, ang dating sweet and innocent Diane biglang naglaho.Sa edad na 12 natuto akon magbisyo. Alak, sigarilyo, sugal at barkada yan ang nagimg karamay ko noong mga panahon na yun. Pero dahil sa bisyong yun muntik na akong “mapahamak”. Doon na biglang natauhan si mama, kaya nagdesisyon sya na ilayo ako sa San Pablo. Isang kaibigan ang nagpayo kay mama na dalhin ako sa Hospici de San Jose(isang institusyon para sa mga kabataan na nagkakaroon ng problema sa pag uugali at sa mga kabataang rebelde). Maganda ang pamamalakad doon kaya pumayag na din si mama. Inilihim nya sa akin ang pag aasikaso ng mga papeles ko dahil alam nya na pag nalaman ko yun siguradong hindi ako papayag na dalhin doon.
         
           June 4, 2005 noong ipasok nila ako doon. Iyak ako ng iyak noon kasi feeling ko hindi na ako mahal ng nanay ko , pero unti-unti nilang pinaliwanag sa akin ang dahilan kung bakit ako dinala doon ng nanay ko. Sa umpisa hirap na hirap akong mag adjust. Nasanay kasi ako sa buhay prinsesa. Pero hbang tumatagal nsanay na din ako. Weekly nagkakaroon kame ng session sa isany psychologist. Binigyan ako ng chane makapag aral , tinetraine nila ang lahat ng kabataan para maging isang responsible and independent na tao. Iminulat nila kame sa realida ng buhay, na hindi habang panahon ay buhay an gaming magulang upang gumabay sa amin. Dahil darating ang time na iiwan din kame ng parents namin. Puno ng challenge ang nagging buhay ko doonpero masaya natuto akong mag aral na mabuti. Natutunan ko ding  magpahalaga sa mga bagay na nasa paligid ko. At higit sa lahat natutunan ko gdim pahalagahan ang mga taong nasa paligid ko.

             Nagbunga lahat ng pinaghirapan ko palagi akong nasa “top” at nakakakuha ng mga prebelihiyo. Lagi din akong kasama sa mga outing. Marami ang humanga sa akin pati mother ko proud sa akin. na lingid sa akin sa aking kaalaman ay lagging tumatawag doon para kamustahin ako..(nagtatrabaho kasi si mama sa Batangas bilang cook) Kung marami ang humanga sa akin, marami din ang nagalit, ang dahilan ay inggit at selos. Pati mga kaibigan ko unti-unting lumlayo amg loob sa akin. Wala na akong naging kakampi noon. Down na down ang pakiramdam ko noon. Walang gustong makipag usap sa akin, pati house parent namin malayo na din ang loob sa akin. Halos mabaliw ako sa sobrang sama ng loob, kasi hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko noon..
ako si yanna!
               Noong mga panahong feeling ko gusto ko ng ma give up bigla syang dumating si Ellen Lucinarrio o mas kilala sa tawag na “saviour”. Isa syang physical therapist student na doon din nag dodorm sa hospicio. Sa mga panahon na gusto ko ng mag give up pinayuhan nya ako., sya ang nag iisa kong tagapakinig . Siya ang naging crying shoulder ko at bukod tanging tao na nag sabi sa akin na “Life is full of trials that made you strong” sa sinabi nyang yun nabuhayan ako ng loob. At sabi din nya dapat daw matutunan kong harapin ang problema ko. Dahil hindi masusolusyunan ang problema kung hindi ko ito haharapin. Kaya ng matapos ang contract ko sa hospcio, lumabas ako ng masaya at puno ng pag-asa.
        
         Akala ko noon sa paglabas ko magiging maayos na ang buhay namin, pero hindi pa pala. Tago ng tago kasi kame noon para kameng kriminal na tumatakas . Sa huli napagod na din ako, sabi ko kay mama kung hindi na magiging maayos ang buhay namin sa Maynila, bakit hindi na lang ulit kame umuwi ng San Pablo. Pinag isipan ni mama ang suggestion kung iyon, kaya pumayag din sya.

             August of 2006 muli kameng umwi ng San Pablo ang bayan aking sinilangan. Sa pag-uwi naging maganda ang buhay namin, nakahanap ulit si mama ng bagong trabaho, kaya noong mag pasukan. ini enrol nya ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, bilang isang 2nd year High School.
         
             June 04, 2007 ng magsimula ang klase sa dizon. Sa simula kabado ako, syempre baka kasi wala akong maging kaibigan, tapos inisip ko baka mahirap pakisamahan ang maga tao doon. Pero napatunayan ko hindi mahirap pakisamahan ang mga tao dito sa Dizon, lalo na yung mga guro. Mas mahirap pa nga makibagay sa mga tao sa Maynila.

me (diAnE)
               Masaya ang High School life ko dito sa Dizon. Marami akong naging kaibigan, kaso noong 2nd year ako muli ako napalapit sa mga dating bisyo ko noon. Galit na galit noon sa akin si mama. Bakit ang hindi ay laman ako ng guidance office noon. Hiyang-hiya noon ang mother ko, dumating pa nga sa punto na gusto na nya akong patigilin at ipadala na lang daw ako sa side ng father ko. Kasi sabi nya pareho naman daw kame ng ugali isang "demonyo". Ang sakit pakinggan, sa dame naman kasi ng bagy na pwedeng ihambing sa akin ni mama sa ganoon pang  salita. Gustong-gusto ko noong umalis, maglayas pero napag isip-isip ko saan naman ako pupunta? pati pwede akong mapahmak pag ginawa ko yun. Kaya ang ginawa ko nakipag bati ako sa nanay ko. Kaya simula noon iniwasan ko na ang mga barkada kong puro kasamaan naman ang natutunan ko.

            Kaya ngayon ito naging maayos ang buhay ko. Sa ngayon 4th year Hig School na ako. Isang buwan na lang at gagraduate na ako. Ang araw na pinakahihintay ko. At sa araw na iyon nais kong pasalamatan ang mother ko na walang sawang sumusuporta sa akin, sa mga kaibigan ko na naging kakampi ko at higit sa lola ko na kahit galit sya sa akin hindi pa din nya ako naagawang pabayaan. Salamat po!

Sa Likod ng saya ay may Natatagong Lungkot ( Ang Talambuhay ni Christina Gonzalvo)



Christina Gonzalvo


    Ako si Christina D. Gonzalvo  Ipinangnak noong January 7,1993 kwento ng Magulang ko,hindi  raw naging madali ang pag-silang sa akin.dahil sa kanailangan raw operahan. dahil may tumubo sa akin na d nila alam kung anu ito.At matapos itong mangyari naging maayos ang lahat.lumipas ang araw.naging maayos ang pamumuhay naming. kapwa may trabaho sila. si Papa ay guard,samantalang si mama ay lady guard naman.hanggang sa dumating yung oras na humiling ako na sana ay magkaron ako ng kapatid at natupad nga ito.


hanggang sa naging apat na kami.at naging Maging sina Mama at Papa.damang-dama ko ang pagiging ate sa kanila.Dahil may kalaro na ako at makakasama.habang mahimbing na natutulog kami  ay may  di inaasahang pangyayari napasukan kami ng magnanakaw na akala namin ay katapusan na namin. Na lalo na sina papa at maging ang kapatid na nuon ay nasa harapan nila ito.buti nalang at d nakita ng magnanakaw ang samurai..nakatakas man ang magnanakaw ay laking pasasalamat namin dahil walang nangyaring masama sa amin..ngunit di pa dyan natatapus ang lahat.dahil sa pag-lipas ng  pangyayari ay nag-bago ang ugali ni papa.nagina magsusugal siya,at gabi-gabi ay nanduon sya sa sugalan,at dumarating yung oras na ako na mismo ang kumakaon sa papa ko.dahil takot ang mama ko kay papa.paanu baga naman kasi pag natatalo si papa ay  sya ang sinisisi  nito minsan pa nga ay sinasaktan sya ngunit walang magawa si mama kung di tanggapin ito.maging ako ay naawa sa kanya na wala naman akong magawa kung di ang tingnan sya.at dahil nga dun napag pasyahan ni mama na makikipag-hiwalay sya at hahatiin kami.habang sinasabi nya  ito ay umiiyak ako at sinasabi ko na wag kaming iwan.at dahil dun d na ginawa ni mama yun.dahil sA mahal rw nya kami maging si papa na kahit ganun sa kanyang pinapakita.kina-umagahan ay nag-usap sina mama at papa at napag desisyonan nilang dun nalang manirahan sa san Pablo.


kung saan talaga nakatira si papa.sa madali’t sabi ay dun na kami nanirahan.sa pagdating namin dun ay agad namang nag-karoon ng trabaho si papa.sa memorial sya nag-ttrabaho samantalang si mama ay nasa bahay nalang.dahil mas ginusto nya na alagaan na lang kami..masaya naman ang naging buhay namin   dun.at naatasan pa nga si papa na maging taga alaga ng lupain at ikinatuwa naman ito ni mama,dahil sa makaka-pagtanim sya ng gulay na pwde nyang ilako sa bahay-bahay.at nangyari nga ito nag-umpisa syang magtanim at naging matagumpay naman ito.naging mabenta ang mga gulay nya tulad ng sitaw,kalabasa,upo at iba pa. at dahil naging maayos  ang pamumuhay namin.ngunit sa pag lipas ng panahon ay unti-unti kaming nadaragdagan hanggang sa umabot kami sa walo na kaming  magkakapatid.at dun parang nag-iiba ang takbo ng buhay namin.hanggang sa isang araw ay natanggal ang aking papa sa trbaho na syang  naging dahilan din ng pagkahinto  ko sa pag-aaral.napatigil ako ng dalawang-taon dahil sa kinailangan kung mag hanap-buhay para sa kanila.sa mura kung edad ay natutu ako kung paanu magka pera at paanu pahalagahan ito.dahil nga sa pag kakahinto ko ay wala na akong inisip kundi sila.madali naman akong natuto dahil nuon ay tinuturuan ako ng  mama ko sa gawaing bahay.at dahil nga sa hirap ang pamumuhay namin ay napilitan akong maglabandera sa kapit bahay naming  na syang        ginagamit kung pambili ng bigas namin.at kung minsan ay wala akong labada ay wala kaming makain,kaya napipilitan akong mangutang at ang kabayaran ay ipaglalaba ko sila.di naging madali ang lahat ng ito sa akin.na inisip ko bakit ganito ang buhay namin?


kahit marami akong naririnig  at pinapagalitan ako na ng mga tiya ko na bakit ginagawa ko yun ay bata pa naman ako para gawin yun .pero lampasam tainga  lang yun sa akin,dahil ang katwiran ko ay ginagawa ko ito para sa kanila.ayoko kasing nakikita na nagugutom ang mga kapatid ko.sa oras naman ng kainan ay pinapauna ko sila at maging si mama na ayokong makitang nalilipasan na baka sumingga ang ulcer nya. masaya na ako na nakikita silang kumakain.kahit alam ko minsan ay nalilipasan na ako ay tinatanggap ko pa rin ito.hAnggang isang araw ay naisip kung magpakamatay,


pero sabi ko sa sarili ko kung gagawin ko ito ay kawawa  ang mga maiiwan.sa araw-araw na pamumuhay namin wala pa ring nangyayari na para bang tingin ko ay napaka malas namin.na para Bang d tinutugon ng diyos ang dasal ko.hangang sa ang dating gawain ni papa ay ginagawa na naman nya na pibapabayaan na kami.pag d inum ang ginagawa nya ay nag-susugal naman sya pag nagkakaroon ng kaunting pera.at dahil sa aking nakikita may pag-asa pa bang mabago ang lahat na natanung ko sa sarili ko.araw-araw nagdadasal ako na sana bumalik yung dati.sa nagaganap sa amin di ko ipinapikita sa kanila na nahihirapan ako bagkus ay tinitiis ko ang lahat.at sa twing mag-iinum naman si papa ay ako ang laging kumakaon dito, takot kasi si mama kay papa na pag nasa bahay ay kung anu-anu ang sinasabi sa sobrang kalasingan.

Kaya naman pag mangyayari yun ay umaalis na ng bahay si mama upang di nerbyosin kasama ang kapatid ko,samantalang ako ay naiiwan  upang bantayan si papa at  ayusin ang katawan.dahil nuon ay nakikinig pa sa akin si papa..kaya naman sa twing mag-iinum at magsusugal si papa ay ako ang laging tinatawag  ng mga tao sa amin na sinasabi ay pauwiin ko na si papa.kahit na nuon ay naglalabandera ako ay kinakaun ko pa rin sya.lahat ng ito ay ginawa ko at pinag tiisan ko,dahil alam ko balang araw makakamit ko rin ang kaginhawaan..at sa patuloy kung pagdadasal ay na natupad ang dasal ko na mag  katrabaho si papa. Na agad   naman syang nagtrabaho sa kabilang memorial.sa pagbabalik ni papa ay nagbalik na rin ako sa pag-aaral


Nasa ika-anim na baitang na ako.samantalang ang pangalawa kung kapatid ay nasa tiya ko na..sapagkat ito ang nagpapa-aral sa kanya.sa pagpapatuloy ko ay di naging madali ang pag pasok ko.naging pala liban ako sa klase dahil nagkasakit ang mama ko na kanailangan kong mag bantay sa ospital.makalipaS ang araw naging maayos na ang kalagayan na mama ko at habang naglalakad ako ay naisip ko na makakapag-aral pa kaya ako sa susunud na taon?na kahit nuon ay tinutulungan kami ng isang pastor,na nuon din ay kailangan nyang umalis at magtrbaho na para bang iiwan na ang pagpapastor.sa araw ding yun ay umalis sya pero bago yun ay niyakap ko sya at nagpasalamat sa lahat ng naitulong nya sa amin.tanging sinabi nya sa akin ay mag patuloy raw ako sa paglilingkod at tinupad ko naman ito,hanggang sa na bautismuhan ako.naiisip ko parin kung  makakapAsok ako .


Linggo ng umaga nasa simbahan ako ay         may kumausap sa akin at nag-alok na kung gusto ko raw ay sila na ang magpapa-aral sa akin na agad naman akong tumugon ng opo.pag-uwi ko sa amin ay agad na sinabi ko ito kay mama.pero di ito agad makasagot hangang sa kumukain kami ay tinanung nya kung gusto ko ang alok nay un.At agad naman akong sumagot ng opo gustong-gusto.sabay sabi ni mama na  sige pumapayag na ako.naka-ilang pabalik balik din sina ate ester at kuya rabby sa amin hanggang sa pagka graduate ko na habang nagbabakasyon ako ay kinuha na nila ako.

      Sa pagdating ko sa kanila ay medyo nakakanibago kung sa anu baga ay namimis ko ang mga kapatid at magulang ko.pero tiniis ko ito para makapag-aral lang.at sa pagdating ko nga dito ay marami akong natutunan sa kanila ulad nalang ng paglalaba,pagluluto at iba pa.natutu rin akong makisama sa mga tao sa paligid.madali ko naman silang nakasundo,dahil lahat sila ay mabuti ang ipinapakita sa akin.halos lahat ay naging kasundo ko.at dahil sa kanila ay malaki ang pinag bago ko.naging Masaya ako sa piling nila na hindi nila ako pinabayaan at hindi itinuring na iba,kaya naman masasabi kong  mapalad ako dahil nakilala ko sila.
     Sa aking naman pag-aaral mula 1st year hangang 3rd year ay naging maayos naman,kahit na minsan ay para bang tinatamad na ako ay hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa,bagkus nag kakulay ang buhay ko dahil sa pag-aaral.nagkaroon ako ng madaming kaibigan na talaga naming nandyan sa oras na kailangan ko.maraming karanasan ang  di ko malilimutan sa aking pag-aaral.


      Ngayong nasa 4th year na ako ay madaming nangyari sa buhay ko na hindi inaasahan,karamihan sa mga ito ay masasaya at kalungkutan.naging Masaya ako isa ako sa napasali sa balagtasan na ikinatuwa ko ito kahit hindi pinalad na manalo.naging isa itong inspirasyon sa akin na hindi ko malilimutan.maging ang pag-sama ko sa field trip namin na talagang naging masaya ako,napuntahan ko ang Fort Santiago,Bio-Research at iba pa.sa pag-sama kong yun ay madami akong natutunan.

Fieldtrip w/ Rodney
        Ngunit sa kabila nito ay may lungkot na natatago sa akin,dahil ang aking   kapatid  ay nasa Ospital na di ko alam ang dahilan. nuon ay nasa paaralan ako ng  sabihin ito sa akin ng aking kapatid na dali-dali naman akong umuwi upang tingnan ang kalagayan ng kapatid ko sa Ospital na ng Makita ko sya halos  umiyak ako na kasama ko aking papa.kitang-kita ko ang pinagbago ng  kapatid ko at maging ang ina ko na halos isang lingo na raw sila sa Ospital ay walang paring pag-babago.nung araw ding yun ay kinailangang ilipat ang kapatid ko sapagkat kulang ang gamit sa ospital.sa pangyayaring iyon agad kong niyakap ang kapatid ko na humahagulgol ako ng iyak,na sa pag-angat ko ng ulo ko ay hindi pala ako nakilala ng kapatid ko.tinanung nya kay mama kung sino ako na agad naman sumagot ang mama ko na si ate mo yan,na tumitig sa akin ang kapatid ko,at sinabing ate yakapin mo ako,ate mahal na mahal kita mama,papa mahal ko din kayo na lalong akong napahagulgol na akala ko ay    magpapaalam na sya.na tiningnan nya ako at sinabing ate wag kang umiyak ayoko na ganyan ka ayokong nakikita kang umiiyak na nung sandaLling yun  ay tumigil ako at sinabing di ako naiyak bagkus masaya lang ako dahil nakita kita.ng oras na yun ay walang magamit na sasakyan kaya nagpa kapal na ako ng mukha sa mga tao sa ospital nakitext at nakitawag ako.umiiyak ako ng araw na yun kaya naman sa paglabas ko ay may biglang dumating na ambulansya kasabay ng taong may dalang sasakayan na hiningan ko ng tulong ito ay si Rabby Calabia at Ester Calabia.

     Habang isinasakay ang kapatid ko ay dumadaing ito ng masakit ang katawan nya na, naaawa ako at nasabi ko sa sarili ko na sana ako nalang ang nakaranas nun.pag- kapasok sa sasakyan ay agad akong pumuwesto sa unahan ng sasakyan na sinabi nila na maiwan na ako pero di ako nakinig.kasama ko ang pinsan ko na syang, nagpapatatag ng loob ko na lakasan ko raw ang loob ko wag ko raw ipakita na maging,  ako ay nahihirapan na sagot ko naman ay bakit ganito pa ang dapat pagdaanan ng kapatid ko.habang nasa biyahe kami ay lagi kong tinitingnan ang kapatid ko.

     Ganap na alas-diyes ng makaraking kami sa Regional Hospital sa batangas.pagdating naming dun ay agad inilagay sya sa kwarto upang makahiga ng ayos kasama ang aking mama at papa.Habang ako naman ay nasa labas dahil bawal ang madami,ay sya naming pag sabi ng tita at pinsan ko na aalis na sila upang makahanap ng pera upang may magastos kami.
     Lumipas ang araw  nalaman naming na may sakit pala ang kapatid ko sa utak na   dapat raw ay nuon ay pina check-up na namin.ngunit di kami nawalan ng pag-asa,bagkus kung anung sabihin ng nurse ay ginagawa namin.at naging maayos naman ang kapatid ko.ngunit kinailangan ng papa  kong umalis upang maghanap ng pera sapagkat wala na kaming pangggastos.at ng umalis si papa ay kaming tatko ang naiwan hindi naging madali ito sa akin sapagkat wala akong makasama sa pag tulog ko sa labas.nakakapasok lang kasi ako sa loob pag alas-9 hanggang 6:00 na hapon.kaya naman nilulubos ko ang pag pasok dun na tumatago ako sa banyo para lang hindi mapalabas ng guwardiya.at minsan ay nanghihiram ng gate pass upang makapasok na nuon ay may  mabuting tao na tumutulong sa akin upang makapasok sa loob.

     Sa pag-lipas na araw ay di pa rin dumadating ang papa ko.kaya naman napagdisisyonan ko na din na magpatuloy sa pag-aaral.at nang magtext ako sa amin ay di pa raw nakakahanap kulang pa raw kaya naman napagdisisyonan namin na ilabas na ng lunes ang kapatid ko.sapagkat medyo maayos na sya.linggo ng mapag usapan naming ni mama yun. yung araw ding yun ay tinawagan ko ang kapatid ko at ipinakauasp ko ito sa kapatid ko.na sabi ng kapatid ko kina Jessie ay mis na mis na raw nya ito at gusto na raw nya ito Makita.na sabi ng mga kapatid ko ay mis kana rin naming magpagaling ka.matapos yun ay naging masaya sya.
     Araw ng lunes ay hindi kami pinayagan na ilabas sya.kaya naman wala na kaming nagawa kundi hintayin si papa.hapon ng dumating sya at may nakuha naman syang pera sa mga taong hiningan nya ng tulong.balik sa dati ang gawain naming ni papa pareho kaming natutulog sa labas habang si mama ang nagbabantay.

       Martes ng umaga ng makapasok kami ni papa,at napag usapan namin  na medyo matagal na kami sa ospital at malaki laki na rin ang bill namin.kaya naman muli na naman umalis si papa upang asikasuhin ang philhealth nya.umalis si papa na ganun na naman ang gawin ko.kinahapunan habang kumakain kami ni mama ay pinakain naman ni mama ang kapatid ko habang kumakain ito ay twang-tuwa ako. Dahil malakas syang kumain hindi tulad nuon.nagkataon naman pagkatapos nyang kumain ay dumumi sya na dinala namin sa banyo at dun at hinang-hina ako dahil sa aking nakita hinang-hina at halos hindi makatayo na para bang lantang gulay na ako nuon ang naghuhugas sa kanya habang hawak ni mama.kaya naman binuhat ko sya papunta sa higaan nya. Nang gabing yun humingi ulit sya ng pagkain pinakain namin  sya ng lugaw at pinakain sya ni mama.pagkatapos mapakain ay matulog na sana kami na nuon ay nakapagtago ako upang di makalabas.ng biglang nalang tumarak ang mata ng kapatid ko na dali-daki akong lumabas upang tumawag ng nurse na pagdating ng nurse ay pinump nila ito na akala namin  ni mama ay wala ng pag-asa.kinailangan syang lagyan ng oxygen na tinanung sa akin ni mama na kung magiging maayos pa ang kapatid ko na sagot ko ay opo.na di ko sinabi na tanging ito nalang ang nagpapahinga sa kanya.dahil ayokong mag-alala sya.sabay nito ay tumawag ako sa pinsan ko alas-dyis ng makontak ko sila at sinabi ko na iba na ang lagay ng kapatid ko na kailangan pumunta si papa na agad naman silang umalis.

          Magaalas-kwatro na makarating sila dahil walang magamit na sasakyan.ng makarating sila ay tulog ang guwardiya kaya naman isa-isa kamimg pumasok na una ako na sinundan ako ng tiya,Tiyo na ninong ng kapatid ko,at maging ang bagong konsehal sa amin.nang makapasok na kami ay agad tiningnan ng mga kasama ko ang kalagayan ng kapatid ko na halos ay maiyak sila ng sandaling iyon ay agad din silang umalis dahil baka Makita sila ng guwaridya at kasabay nito ay umalis na sila.pag-alis nila mga ilang oras palang ang nakakalipas ay sinama ang kapatid ko,na para bang hinang-hina na ginagawa ng nurse ang lahat.ikapiyo ng umaga ng binawian ng buhay ang kapatid ko.kitang-kita ko maging ni mama kung paanu binawian sya na sa oras na yun  ay lumalaban pa sya na tumutulo ang luha nya na nilapitan ko sya kahit may ginagawa ang mga nurse at sinabi kong kung nahihirapan kana ay magpahinga kana mahirap man ay tatanggapin namin mahal na mahal ka namin tandaan mo yan,nuon kasi ay huli na ang lahat para malagyan pa ng sunda ang ari ng kapatid ko na syang dahilan kung bakit hindi sya makaihi,at kung iihi ay hirap ito.at pagkasabi ko sa kanya ay binawian na sya na buhay.kasabay nito ay tumulo ang luha ko maging sina mama at papa.na sinabi ko kay mama tanggapin na natin may may plano ang Diyos kung bakit nya kinuha sa atin si john paul.tatagan mo ang loob mo mama.dun masaya na sya kasama ang Diyos.pagkasabi ko sa kanya ay agad akong tumawag sa kapatid ko hindi ko agad masabi sa kanila,dahil maging ako ay hindi makapaniwala sa nangyari.at nang makontak ko ang kapatid ko ay sinabi kong wala na si john paul patay na sya na sagot ng kapatid ko ay hindi…bakit?pagkatapos makausap ay pinatay ko na ang cellphone.

        8:00 ng umaga ay inayos ko ang mga gamit naming,habang si papa ay nag-aasikaso ng bayarin.pagkatapos nuon ay dinala na ang bangkay nya sa San Gabriel.pagkadating naming dun ay lahat kaming magkakapatid ay niyakap  ni mama at sinabing wala na si john paul iniwan na nya tayo duon tumulo ang mga luha namin.
Pagdating ng kabaong ay agad lumapit ang mga kapatid ko at tiningnan. lahat kami ay, naging emosyonal sa araw na yon.na ang mga kapatid ko ay nagsisisi sa mga maling naipakita nila dito.bilang panganay ay nilapitan ko sila at sinabing tamana tanggapin na natin may plano ang Diyos kung bakit kinuha nya sa atin sya.at lumipas ang araw ay d pa rin matanggap ng mga kapatid ko maging ako.hanggang sa Makita namin na tumulo ang luha  ng kapatid kong nasa kabaong.na sabi ng tita ko ay tanggapin na namin.

       Araw ng lingo dadalhin na sya sa huling hantungan nya,dun naming sya pinabasbasan sa simbahan naming na first fundamental Baptist church na kung saan ay aktibo ang kapatid ko sa gawain sa panginoon.
       Matapos ang misa ay dinala na sya sa libingan,bago sya ipinasok ay isa-isa namin tiningnan sya.at yun ipinasok na sya na humugulgol na kami na iyak.
      Kasabay nito ay umalis na kami.pagdating sa bahay ay sinabi ni mama na ipagiba na ang bahay naming at magtayo ng bago at nangyari nga ito.sa ngayon ay medyo tanggap na ng mga kapatid at magulang ko ang nangyari.sa ngayon ay pitong buwan na syang patay na parang kalian lamang.na nuon ay nagpatuloy ako sa pagpasok na pinagbigayan pa ako ng pagkakataon ng mga guro ko.
Ito naman ang litrato ng mga kaibigan ko na silang
nagpapasaya sa kabila ng mga pinagdadaanan ko.
Yan ang mga kaibigan kong sina rodney,ako,gissele,lovely,ruby,rhea,maricris.












  




 Kaya naman nagpapa Salamat ako sa Diyos na lagi syang nandyan para sa amin,maging sa mga taong tumulong sa amin.at sa aking pagtatapos sa High-School ay gagawin ko ang lahat wag lang maranasan ng mga kapatd ko ang naranasan ko sa buhay ko.hindi madali ang lahat ng ito pero dahil sa panginoon ay nakakaya ko ang lahat.
Nawa ay kapulutan nyo ng aral ang aking talambuhay na huwag tayong mawalan ng pag-asa.  Bagkus sa Diyos tayo magtiwala.

"TALAMBUHAY NI EUGENE REYES"

eugene reyes
Ako si Eugene Hiloma Reyes ipinanganak noong hunyo,11,1994 sa panlalawigang gamutan ng san pablo ang aking mga magulang ay sina Roy Reyes at ligaya reyes ang aking ama ay tricycle driver ang aking ina naman ay OFW kami ay limang magkakapatid tatlo kameng lalake ako ang panganay si John Erick ang sumunod sa akin at si Ralph Ian naman ang patatlo at dalawang babae na sina Angelica at kimberly si kimberly ang bunso, kami ay nakatira sa purok 6 Barangay San Francisco Calihan San Pablo City ang aking ina at ama ay maagang nag asawa ikinasal na sila sa kasalukuyang nag-aaral pa sila ng grumaduate ang aking ina ng high school ako ay ipinagbubuntis na nya. at isinilang nga ako nong hunyo,11,1994 malusog naman ako ng isilang. simula ng isilang ako sa bote ako nadede naging masayahin daw ako at palangite kaya madameng natutuwa sa akin. nobyembre 1994 ng ako ay binyagan maaga akong nkalakad isang taon nakakalakad na ako pero di ganun kabilis nasanay nga pala daw ako sa pasepayer naalis lang daw ito sa akin magdadalawang taon na ako kung di pa pinutol ng aking ina kaya di ko na ginamit dalawang taon ako ng nagkaroon ng kapatid. aapat na taon ako ng magsimulang mag-aral sa day care center.
ako at ang tito ko
 natuto na rin akongmagsulat limang taon ako ng muli akong nagkinder dun na naging maganda ang record ko nasali ako sa lahat ng activity naging honor ako noon. ako ang pang lima sa sampung honor. nagsimula ako mag elementary noong ainim na taong gulang don ako nakatagpo ng mga  kaibigan at naalala ko pa non si mam suarez ang teacher na pinaka mabaet sa akin at nung grade 2 naman duon ako natutong makipag away dahil minsan tinuruan ako ng tito ko na magpatuka ng manok at natuto at noon dapat maaga ako makauwi dahil may pinapagawa sakin ang aking mama.

      tinuruan ako ng tito ko na mag computer 2 araw lang ay marunong na ako at simula noon ay naging adick ako sa paglalaro ng online games at facebook..madaming ng aapi sa akin di nila alam na lumalaban din ako grade 3 naman ako nung tumaas ang gades ko at nung ako ay grade 5 dun ako sumaya dahil napakabaet ng teacher ko na si ms. michelle castanyeda sinabihan ako ni mam ng best student at achiever grade 6 naman ako ng makilala ko ang tunay kong kaibigan na si Yvez Allen Estinor madami din akong kaibigan non pero iba talaga si yves lagi siyang pumupunta samen tuwing walang pasok napakaaet ng kaibigan kong iyon kahit high school na kame ay napunta pa ren sya samen noong 1st year ako ay naninibago pa ako adahil hinda ko pa kilala yung mga kaklase ko pero nun nagtagal ay nakisama na rin ako at dun ako nagkaroon ng 1st love hindi ko pa alam non ang love wala pa akong alam don nung una akong nagka girl friend hindi nagtagal nag break na rin kame at nung 2nd year na ako dun na ako nagluko bumaba ang grades ko repeater ako nun kaya naka dalwang 2nd year ako at nung pangalwa kong 2nd year dun ako nag pursige kaya yun nakapasa ako at nag 3rd year na ako unang pasukan non ilang na ilang ako non dahil halos lahat ng clazmate ko ay ndi ko kilala pero       ikaapat na baitang sa high school halus walang nabago sa mga kaklase ko kasama ko padin mga barkada ko  sama sama padin kami sa kalokohan may mga nadagdag na subject computer at c.a.t gada friday lang ang c.a. ang computer naman ay gada martes kahit mahirap ginagawa ko pa din.
JS picture


naging masaya ang aming JS at madami akong naisayaw na babae.
madami din kaming mga picture sa digicam at cellphone ko at ng mga tropa ko.napakasaya talaga noong araw na yon.
mga tropa ko
                                                                                                         
 di nagtagal  nagkaron ako ng mga tropa at dun nag simula ang tropang yagba nung una talaga ay hindi ko sila kakilala kala ko date ay masasama ang ugali nila pero hindi naman pala 2nd grading non nung nag kasakit ako 2weeks akong absent non akala ko hindi ako makakapasa non kase hindi ako nakakuha ng periodical exam pero kahit hindi ako nakakuha pinilit kong makapasa kaya yun.

ako ito
nakapag 4rth year ako mababait naman kase ang mga teacher ko non kaya ako nakapasa ngayung 4rth year na ko dumami ang tropang yagba dahil sa mga kaklase naming iba nung una naiilang pa rin akong makisama sa mga bagong tropa  at yun 2nd grading ulet ng maospital ako dahil sakit
kong NEUMONIA naging malala ang sakit ko nun 1week ako non sa hospital 3weeks akong absent non madame pa kong bagsak non di ko nga  alm kung makakagraduate ako kase nga madami akong absent sana nga mahabol ko yung mga bagsak at sana makagraduate ako.

Saturday, February 19, 2011

" TALAMBUHAY NI RUBY AUDIJE "

Add caption
larawan ko nung ako ay nasa amin
Ako si Ruby Grace C. Audije nkatira sa san francisco clihan s.p.c. ipinanganak ako noong mayo ,30 1995  ng aking mgulang na si cecilia audije.. at ang pnglan naman ng aking ama ay ruel audije. lima kming mag kkaptid. apat na lalake at isang babae at ako un.. isinlang ako sa bahay lmang at hindi sa hospital, ng isilang ako ng aking ina galing sa sinppunan nya. tuwang twa sila. hindi sila mkpnwala dhil sa tgal ng pnhon. dninig ng dyos ang knilang pnlangin  maging ang aking lolo at lola.. ay tuwang-tuwa pati mga kpatid ko. dapat ttigil na ang nanay ko sa pag bbuntis.
me with my friend nung kami ay nasa library
dhil puro llake daw ang na labas. pero hndi sila nwlan ng pag asa. ng dmting sa puntong mag bbrth-day ako ng isang taon. ayon sa kwnto ng aking ina. nag handa daw sla ng mrami may sayawan,tugtgan at mga plaro. mrami akong ntanggap na regalo. sabi skin ng aking ina ang laman daw ng mga regalo mga damit at laruan. tuwang-tuwa. ang aking lola pag nkkidaw niya akong lmalkd ng ptumba tumba.lgi niya akong bnbilhan ng mga pamuyod. dmting ang idad kng 5 at ako ay nag kindare na. tanda ko panon. lgi akong umiiyak. kpag iniiwanan ako ng aking ina sa iskul. feeling ko kse. ako lang ang wlang nanay sa skul na hnhintay ang anak na umawas. kaklase ko ang aking pinsan na si nicole, bagamat parehas kming iyakin noon dhil ayaw nming mag sulat.sa note book feeling ko kc non hndi ko kya. .tnuruan ako ng tinuruan ng aking ina na mag sulat sula non nging msipag na ako mag sulat sa skul. simula non hindi nko umiyak at nag ppaiwan na ako sa nanay ko. sasapit na ang graduation cmpre may hndaan. pero knti lang ung pra bang pang sarili lang kase wla kming pera non. twang tuwa ako dhil. iginla ako ng aking ina kung saan saan pag ktpos nming mag gla umuwi na kami. pag ka uwi nmin nagsi sipag kain na sila. hindi na aqo kumain dhil pgdnpgod na ako kya na 2log na ako. ng mga oras na un. pag klipas ng ilang buwan mag eenrolan na. ininrol ako ng aking sa DEBES. pra mag grade 1 msaya ako dhil mabbait ang nging mga kklase qo. teacher ko noon si mam NIZ. si mam  NIZ ay pra ko nding  lola . anla ewan ko lang kng ano. maggling mag 2ro ang mga teacher sa DEBES. bgamat mrmi akong n22nan sa knila na 22unan kng gmlang  sa nkttanda skin dapat lgi kang ggamit ng PO at OPO. mrami akong nklla at nging kaibigan sa skul.                                        

 msayang mag ELEMENTARY. kase doon mo tlga ma aalla ang lhat  ang lhat ng massayang pagssamahan at pang yyari. ng ako ay mag grade 1 to 5 prang wlang nag bgo msaya prin at mbbting kaibigan ang saya ko tlga ng mga pnhong iyon. mag bbakasyon nanaman cmpre swimming at nood t'v lang at 22long sa pag llinis ng bahay.mtpos kung mag saya gling sa bksyon  back 2 skul nnman. n ag enrol ulit ako sa  DEBES pra mag grade 6. section c ako noon pngatlo sa pnkamataas  na section. bagamat tumaas ang mga section ng mga kkase ko. pero nag ka meron ako ng kaibigan  na hindi lang bsta kaibigan kundi ttwagin mo na cia blang kapatid kami lgi ang mag ksama mging sa upuan kmi ang mag ka tabi at sa pag uwi kmi prin ang mag ksabay . na iinis ako kpag my ng aasar sa kanya kse prng ako nrin ang nssktan. pnagssbhan ko nlang sla. na msama ang gngaw nio.. mraming mga kwnto ang ma illhad mo tngkol sa iyong skul life pero may mga part ding hindi mo na tnda.  may nkaaway ako noon klasmate ko nag away kmi dhil sa pera ko sa bag, wla nman akong ma pag bbntngan kundi cia lang. siya lang kse ang na iwan sa room noon iniwan kong may pera ang aking bag. at cia rin ang mhlig mnglkal ng bag.dhil don nag samplan kming dlwa. hindi kmpi sa kanya ang mga kaklse ko . ewan ko ba kung bkit. isa ciang taong hindi na lligo. kaya cia nllayuan ng mga tao mging mga teacher ang bho kc nia. pero knlimtan ko na ang mga pangyyaring iyon. dhil mag gagraduation na kame pntwad ko na cia ng umakyat ako sa stage pra khanin ang aking DIPLOMA. ako ay tuwang tuwa sabi ko sa srili ko angt sarap plang mag high skul.  mtpos kung mag saya g;ling sa bkasyon mag eenrolan na naman nag enrol ako sa  COL. LAURO D. DIZON.  twang twa ako dhil nka abot ako sa pn2ng ito sa laht ng pag hhirp ko ta pag hhirap ng aking mglang sa pag aaral skin . sbi ko nga hndi ko kau bbguin sa mga pngarap nio pra sakin hayaan niyong ako naman ang mag alaga sa inyo

 noong  ELEMENTARY plang ako pngarap ko na agad na mkpag high skul. at doon mag-aarl ako ng mbuti  msayang mag high skul kc  una kplang pxok. sa skul mrmi ka na agad mkklala. kpag high skul kna mrming mga klkohan ang mkkta mo pag k cuting, pag yyosi, pag iinom. at kung anu- ano. mrami kang mpplot na kaalaman ang mkkuha mo tungkol sa pag-aaral , at doon mo rin mkkita ang khlahan ng mundo. bgamat hina ako sa science at math. pero sabi ko kailangan kong mag aral ng mabuti ng sa ganun ma iangat ko ang subject na kung saan mhina ako.  wla sa isip ko ang mag ka crush sa mga llake pag- aarl muna ang ggawin ko ng sa ganun mktapos agad ako n g pag-aaral at hindi ako mag llko upang mkakuha ng magandang kurso. pero kapag mag ttest kmi ng ng science at math na bablnk ko ako.

this is me
The real me
kaya npplitan ko mang gaya inisip ko sa srili ko na kailangan ko mag aral upang ako naman ang tumulong sa aking mgulang para mbigyan ng magandang buhay, dmating ang time na  nag ka meron ako ng back subject nong 2nd yr. hindi nmang totaling hindi ako npxok ung pra bgang umabsent lang ako para mkapag practice ng sayaw para my maiperform sa drting na concert . pero hindi prin cia pmyag na kami ay ppsukin nia kami wla man akong krnsan sa pag sayaw pero hilg ko na tlaga ito maging pag knta at pngrap ko ding mging disigner.  pmsok ako ng 3td yr na may back subject at hindi rin ako nsa mtaas na section sa k2nyan nsa mabbang antas lang ako. pero ipnakkita ko ang ang kkyaan at na llaman sa skul. hndi man ako nsa mtaas na skul nsa public lang ako pro msaya rin ksama may mga kaibigan akong mbbait at mtlngin hehehe, ewan ko lang kung 22o.  msaya narin ako khit hndi ako nsa private skul., hindi ko ikinhhiya ang aking skul sa ka tulyan pa ni2 ipinag mmlaki ko Ang COL. LAURO D. DIZON.  mtto ka tlgang mag sikap sa iyong pag-aaral  at ma iisip mo tlgang kailngan ko tong gawin para sa pamilya ko  pngarap ko silang mabigyan ng mbuting buhay. mraming tao ang hindi nkkapag arl nag ppsalamat ako dahil pnigyan ako ga dyos ng mbuting mgulang na handang gwin ang lahat para sa kanyang anak. wla na akong hhngin pa. gagawin ko ang lhat para mka graduate ng sa gnun masuklian ko ang pag-aaral skin ng aking mgulang at sa ganun mkapag aral ako ng collage kaya nga ngaun pnag bbtihan ko na  ang pag-aaral. graduating na ako ngaun. oo. may tnpo ako sa lola ko kc prang bli wla lng kmi sa kanya  ang mgaling lang sa kanya ay ung apo nia na ksama sa bahay nia. prang ibang tao lang kami sa kanya . pero khit ganun cia tinitiis ko na lang. madalang akong pmnta sa knila ppunta lang ako don kapag. my kailangan ako kai nicole ayon lang, pero parang ang sakit isiping sarili nong lola pnag kkwen2han ka ipinmmlita pang hind daw ako mkka graduate tama bayon. at sabi ko sa srili ko ippakita ko sa inyong mkkgarduate ako at mkkakuha ako  ng magndang kurso.at iaahon ko ang aking magulang sa khirapan hindi ko sila bbiguin at lalo ko pang pag bbutihin ng sa ganun ako aman ang knilang ipag mmlaki.

Thursday, February 3, 2011

SWEET LIFE (talambuhay ni Esperanza Marie A. Macaibay)

kasama ko ang papa at ang lola ko!!!
April 14, 1991 sa Madonna and Child Hospital (Cagayan de Oro City) ako ay isinilang. Ang aking mga magulang ay sina Marissa at Reynaldo Macaibay. Pang apat ako sa aming magkakapatid. Ayon sa aking mama kumpleto ang aming pamilya sa ospital noong araw na iyon. Masaya at magulong nag-uusap kung ano nga ba ang pangalan na ibibigay nila sa akin. Gusto ng aking papa na isunod ito sa pangalan ng kanyang mama (aking lola) na si Esperanza. Dahil ang padre de pamilya na ang nagsabi wala na silang nagawa kundi sundin ito. Dinagdagan na lamang ng aking mama ang aking pangalan ng Marie. Kaya ako ngayon ay si Esperanza Marie A. Macaibay.
        
picture ng buong pamilya
      Sa ngayon ay wala na masyado akong naaalala sa mga nangyari sa akin noong ako ay bata pa. Sa kadahilanang  noong bata pa ako ay nadiagnose ako ng doctor na meron akong Maistimia. Kung saan merong ugat sa aking mata na may irregularities na habang ito ay ginagamot ay maaaring maapektohan ang aking mga alaala o pagkakaroon ng  “memory gap”. Ang tanging nagpapakita sa akin ngayon kung ano ang mga pangyayaring naganap sa aking kabataan ay ang mga larawan namin.

its me!!!
        Base sa mga larawan na ipinakita ng aking mama sa akin, masayang masaya ang aming pamilya. Tuwing may okasyon ay buong nagtitipon – tipon ang mga kamag – anak. Palagi kaming nagkakaroon ng family outing. Marami narin kaming napuntahang iba’t ibang mga lugar dito sa Pilipinas. Sa tuwing nakikita ko ang mga larawang ito magkahalo ang saya at lungkot. Masaya dahil naiimagine ko yong mga pangyayaring iyon sa buhay ko at malungkot dahil nawala sa akin ang isa sa pinakamahalagang alaala ng buhay ko.


me again
          Ang buhay, hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya, ang bawat pamilya ay nagkakaroon ng problema. Ang pamilya namin ay dumating sa puntong iyon. Naluge ang negosyo ng aking pamilya, na siyang naging dahilan upang kailanganin ng aking mga magulang ang lumuwas sa maynila at iwan kami ng aking mga kapatid sa aming lola upang makapag simula ulit. Hindi naging prolema ang aming pag – aaral dahil pinag – aral kami ng aming lola sa magandang paaralan. Simula daycare hangang kinder garden ay sa International School (I.S) at elementary sa Liceo de Cagayan University ako nag – aral. Pagkalipas ng ilang taon isa – isang kinuha ng aking mga magulang ang aking mga kapatid. Ako at ang isa kong ate na si Nikki ay naiwan sa aking lola dahil hindi pa nila kayang pagaralin kaming lahat. Noong mga panahong iyon ay bale wala pa sa akin ang mga pangyayaring iyon sa buhay ko, siguro kasi bata pa ako at hindi ko pa alam ang mga bagay bagay na nangyayari sa paligid ko. Masaya kami sa piling ng aming lola, pinalaki kami ng maayos, binibigay lahat ng gusto namin. Tuwing bakasyon ay binibisita namin ang aking pamilya dito sa Luzon. At pagsapit ng pasukan ay uuwi na ulit sa Mindanao, ganon lang ng ganon every year. Sa paglipas ng panahon, unti unti kong nararamdaman sa sarili ko na may kulang sa pagkatao ko. Noong una hindi ko pa alam kung ano yun’ pero nung once na nagkaroon ng family day  sa school namin doon ko narealize na ang pamilya ko ang kulang. Masaya ako sa lola ko , pero iba parin talaga kapag kumpleto ang pamilya. 
           
when i was grade 5
             Nastroke ang papa ko nagalala kaming lahat, after few years nag – decide si lola na iuwi na sa minadanao si papa. And after a few months, kasisimula lang ng pasukan noon,  June 6, 2002 nasa school na ako. Biglang dumating ang ate ko na umiiyak ang tanging nasabi niya lang sa akin ay “wala na si papa”. Hindi ko naintindihan kong anong ibig niyang sabihin noon it takes time bago ko naintindihan yung sinabi niya. Tumakbo ako pauwi ng bahay hoping na sana buhay pa si papa. Sa labas ng gate ang daming tao at may ambulansiya na rin pero huli na. Sa pag – akyat ko sa third floor sa kwarto ni papa nandoon na ang mga kamag – anak namin. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakatulala lang ako at nakatingin kay papa na parang natutulog lang. Masakit para sa akin kasi matagal ko siyang hindi nakasama at halos hindi ko man lang maalala kung ilang beses ko nasabi sa kanya ang “I love you” at wala akong naaalalang magandang memories naming dalawa. Sa pangyayaring iyon hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin, nagloko ako sa pag – aaral, at napabarkada. Napansin ng lola ko na hindi na niya ako kayang bantayan, kaya nagdesisyon siya na ibalik na ako sa aking mama. Tatlong beses ako nag third year una sa San Pablo Colleges ikalawa sa M.S.C at ikatlo ay nagdisisyon ang mama ko na sa manila ako paaralin para mailayo ako sa mga barkada ko dito. Doon nakatapos ako ng third year pagdating ng fourth year ay pinili kong tumigil sa pag – aaral. Makalipas ang isang taon na walang nangyayari sa buhay ko, nag sawa ako sa kakatambay at laging walang ginaganawa, nagdisisyon ako na mag – aral ulit at tapusin ang aking pag – aaral. Para na rin sa ikabubuti ng aking buhay at para sa mga sakripisyong ginawa ng aking magulang lalong – lalo na ang aking lola na hangang ngayon ay sumosoporta pa rin sa akin.   

my present picture
               Ngayon pinag - papatuloy ko ang aking pag - aaral sa Col. Lauro D. Dizon MNHS. Masaya ako sa pag - babalik aral ko. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. At mga Mababait na guro. Malapit na matapos ang taon. Nakakalungkot man isipin pero marami sa mga bago kong kaibigan ang hindi namin makakasama sa graduation. kahit ako nag - nagkakaroon parin ako ng doubt kung makakagrauate na ba ako.  Pero ang higit na nakakalungkot ay ang isipin na pagkatapos ng graduation ay marami na sa amin ang mahihiwalay at hindi na namin makikita. Pero kahit ganon nagpapasalamat ako sa mga naging bahagi at tumulong sa pag -aaral ko. sa mga kaklase ko na laging nandiyan at karamay. Sa lahat ng mga guro na matiyagang nagtuturo sa amin.