Sunday, February 20, 2011

Sa Likod ng saya ay may Natatagong Lungkot ( Ang Talambuhay ni Christina Gonzalvo)



Christina Gonzalvo


    Ako si Christina D. Gonzalvo  Ipinangnak noong January 7,1993 kwento ng Magulang ko,hindi  raw naging madali ang pag-silang sa akin.dahil sa kanailangan raw operahan. dahil may tumubo sa akin na d nila alam kung anu ito.At matapos itong mangyari naging maayos ang lahat.lumipas ang araw.naging maayos ang pamumuhay naming. kapwa may trabaho sila. si Papa ay guard,samantalang si mama ay lady guard naman.hanggang sa dumating yung oras na humiling ako na sana ay magkaron ako ng kapatid at natupad nga ito.


hanggang sa naging apat na kami.at naging Maging sina Mama at Papa.damang-dama ko ang pagiging ate sa kanila.Dahil may kalaro na ako at makakasama.habang mahimbing na natutulog kami  ay may  di inaasahang pangyayari napasukan kami ng magnanakaw na akala namin ay katapusan na namin. Na lalo na sina papa at maging ang kapatid na nuon ay nasa harapan nila ito.buti nalang at d nakita ng magnanakaw ang samurai..nakatakas man ang magnanakaw ay laking pasasalamat namin dahil walang nangyaring masama sa amin..ngunit di pa dyan natatapus ang lahat.dahil sa pag-lipas ng  pangyayari ay nag-bago ang ugali ni papa.nagina magsusugal siya,at gabi-gabi ay nanduon sya sa sugalan,at dumarating yung oras na ako na mismo ang kumakaon sa papa ko.dahil takot ang mama ko kay papa.paanu baga naman kasi pag natatalo si papa ay  sya ang sinisisi  nito minsan pa nga ay sinasaktan sya ngunit walang magawa si mama kung di tanggapin ito.maging ako ay naawa sa kanya na wala naman akong magawa kung di ang tingnan sya.at dahil nga dun napag pasyahan ni mama na makikipag-hiwalay sya at hahatiin kami.habang sinasabi nya  ito ay umiiyak ako at sinasabi ko na wag kaming iwan.at dahil dun d na ginawa ni mama yun.dahil sA mahal rw nya kami maging si papa na kahit ganun sa kanyang pinapakita.kina-umagahan ay nag-usap sina mama at papa at napag desisyonan nilang dun nalang manirahan sa san Pablo.


kung saan talaga nakatira si papa.sa madali’t sabi ay dun na kami nanirahan.sa pagdating namin dun ay agad namang nag-karoon ng trabaho si papa.sa memorial sya nag-ttrabaho samantalang si mama ay nasa bahay nalang.dahil mas ginusto nya na alagaan na lang kami..masaya naman ang naging buhay namin   dun.at naatasan pa nga si papa na maging taga alaga ng lupain at ikinatuwa naman ito ni mama,dahil sa makaka-pagtanim sya ng gulay na pwde nyang ilako sa bahay-bahay.at nangyari nga ito nag-umpisa syang magtanim at naging matagumpay naman ito.naging mabenta ang mga gulay nya tulad ng sitaw,kalabasa,upo at iba pa. at dahil naging maayos  ang pamumuhay namin.ngunit sa pag lipas ng panahon ay unti-unti kaming nadaragdagan hanggang sa umabot kami sa walo na kaming  magkakapatid.at dun parang nag-iiba ang takbo ng buhay namin.hanggang sa isang araw ay natanggal ang aking papa sa trbaho na syang  naging dahilan din ng pagkahinto  ko sa pag-aaral.napatigil ako ng dalawang-taon dahil sa kinailangan kung mag hanap-buhay para sa kanila.sa mura kung edad ay natutu ako kung paanu magka pera at paanu pahalagahan ito.dahil nga sa pag kakahinto ko ay wala na akong inisip kundi sila.madali naman akong natuto dahil nuon ay tinuturuan ako ng  mama ko sa gawaing bahay.at dahil nga sa hirap ang pamumuhay namin ay napilitan akong maglabandera sa kapit bahay naming  na syang        ginagamit kung pambili ng bigas namin.at kung minsan ay wala akong labada ay wala kaming makain,kaya napipilitan akong mangutang at ang kabayaran ay ipaglalaba ko sila.di naging madali ang lahat ng ito sa akin.na inisip ko bakit ganito ang buhay namin?


kahit marami akong naririnig  at pinapagalitan ako na ng mga tiya ko na bakit ginagawa ko yun ay bata pa naman ako para gawin yun .pero lampasam tainga  lang yun sa akin,dahil ang katwiran ko ay ginagawa ko ito para sa kanila.ayoko kasing nakikita na nagugutom ang mga kapatid ko.sa oras naman ng kainan ay pinapauna ko sila at maging si mama na ayokong makitang nalilipasan na baka sumingga ang ulcer nya. masaya na ako na nakikita silang kumakain.kahit alam ko minsan ay nalilipasan na ako ay tinatanggap ko pa rin ito.hAnggang isang araw ay naisip kung magpakamatay,


pero sabi ko sa sarili ko kung gagawin ko ito ay kawawa  ang mga maiiwan.sa araw-araw na pamumuhay namin wala pa ring nangyayari na para bang tingin ko ay napaka malas namin.na para Bang d tinutugon ng diyos ang dasal ko.hangang sa ang dating gawain ni papa ay ginagawa na naman nya na pibapabayaan na kami.pag d inum ang ginagawa nya ay nag-susugal naman sya pag nagkakaroon ng kaunting pera.at dahil sa aking nakikita may pag-asa pa bang mabago ang lahat na natanung ko sa sarili ko.araw-araw nagdadasal ako na sana bumalik yung dati.sa nagaganap sa amin di ko ipinapikita sa kanila na nahihirapan ako bagkus ay tinitiis ko ang lahat.at sa twing mag-iinum naman si papa ay ako ang laging kumakaon dito, takot kasi si mama kay papa na pag nasa bahay ay kung anu-anu ang sinasabi sa sobrang kalasingan.

Kaya naman pag mangyayari yun ay umaalis na ng bahay si mama upang di nerbyosin kasama ang kapatid ko,samantalang ako ay naiiwan  upang bantayan si papa at  ayusin ang katawan.dahil nuon ay nakikinig pa sa akin si papa..kaya naman sa twing mag-iinum at magsusugal si papa ay ako ang laging tinatawag  ng mga tao sa amin na sinasabi ay pauwiin ko na si papa.kahit na nuon ay naglalabandera ako ay kinakaun ko pa rin sya.lahat ng ito ay ginawa ko at pinag tiisan ko,dahil alam ko balang araw makakamit ko rin ang kaginhawaan..at sa patuloy kung pagdadasal ay na natupad ang dasal ko na mag  katrabaho si papa. Na agad   naman syang nagtrabaho sa kabilang memorial.sa pagbabalik ni papa ay nagbalik na rin ako sa pag-aaral


Nasa ika-anim na baitang na ako.samantalang ang pangalawa kung kapatid ay nasa tiya ko na..sapagkat ito ang nagpapa-aral sa kanya.sa pagpapatuloy ko ay di naging madali ang pag pasok ko.naging pala liban ako sa klase dahil nagkasakit ang mama ko na kanailangan kong mag bantay sa ospital.makalipaS ang araw naging maayos na ang kalagayan na mama ko at habang naglalakad ako ay naisip ko na makakapag-aral pa kaya ako sa susunud na taon?na kahit nuon ay tinutulungan kami ng isang pastor,na nuon din ay kailangan nyang umalis at magtrbaho na para bang iiwan na ang pagpapastor.sa araw ding yun ay umalis sya pero bago yun ay niyakap ko sya at nagpasalamat sa lahat ng naitulong nya sa amin.tanging sinabi nya sa akin ay mag patuloy raw ako sa paglilingkod at tinupad ko naman ito,hanggang sa na bautismuhan ako.naiisip ko parin kung  makakapAsok ako .


Linggo ng umaga nasa simbahan ako ay         may kumausap sa akin at nag-alok na kung gusto ko raw ay sila na ang magpapa-aral sa akin na agad naman akong tumugon ng opo.pag-uwi ko sa amin ay agad na sinabi ko ito kay mama.pero di ito agad makasagot hangang sa kumukain kami ay tinanung nya kung gusto ko ang alok nay un.At agad naman akong sumagot ng opo gustong-gusto.sabay sabi ni mama na  sige pumapayag na ako.naka-ilang pabalik balik din sina ate ester at kuya rabby sa amin hanggang sa pagka graduate ko na habang nagbabakasyon ako ay kinuha na nila ako.

      Sa pagdating ko sa kanila ay medyo nakakanibago kung sa anu baga ay namimis ko ang mga kapatid at magulang ko.pero tiniis ko ito para makapag-aral lang.at sa pagdating ko nga dito ay marami akong natutunan sa kanila ulad nalang ng paglalaba,pagluluto at iba pa.natutu rin akong makisama sa mga tao sa paligid.madali ko naman silang nakasundo,dahil lahat sila ay mabuti ang ipinapakita sa akin.halos lahat ay naging kasundo ko.at dahil sa kanila ay malaki ang pinag bago ko.naging Masaya ako sa piling nila na hindi nila ako pinabayaan at hindi itinuring na iba,kaya naman masasabi kong  mapalad ako dahil nakilala ko sila.
     Sa aking naman pag-aaral mula 1st year hangang 3rd year ay naging maayos naman,kahit na minsan ay para bang tinatamad na ako ay hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa,bagkus nag kakulay ang buhay ko dahil sa pag-aaral.nagkaroon ako ng madaming kaibigan na talaga naming nandyan sa oras na kailangan ko.maraming karanasan ang  di ko malilimutan sa aking pag-aaral.


      Ngayong nasa 4th year na ako ay madaming nangyari sa buhay ko na hindi inaasahan,karamihan sa mga ito ay masasaya at kalungkutan.naging Masaya ako isa ako sa napasali sa balagtasan na ikinatuwa ko ito kahit hindi pinalad na manalo.naging isa itong inspirasyon sa akin na hindi ko malilimutan.maging ang pag-sama ko sa field trip namin na talagang naging masaya ako,napuntahan ko ang Fort Santiago,Bio-Research at iba pa.sa pag-sama kong yun ay madami akong natutunan.

Fieldtrip w/ Rodney
        Ngunit sa kabila nito ay may lungkot na natatago sa akin,dahil ang aking   kapatid  ay nasa Ospital na di ko alam ang dahilan. nuon ay nasa paaralan ako ng  sabihin ito sa akin ng aking kapatid na dali-dali naman akong umuwi upang tingnan ang kalagayan ng kapatid ko sa Ospital na ng Makita ko sya halos  umiyak ako na kasama ko aking papa.kitang-kita ko ang pinagbago ng  kapatid ko at maging ang ina ko na halos isang lingo na raw sila sa Ospital ay walang paring pag-babago.nung araw ding yun ay kinailangang ilipat ang kapatid ko sapagkat kulang ang gamit sa ospital.sa pangyayaring iyon agad kong niyakap ang kapatid ko na humahagulgol ako ng iyak,na sa pag-angat ko ng ulo ko ay hindi pala ako nakilala ng kapatid ko.tinanung nya kay mama kung sino ako na agad naman sumagot ang mama ko na si ate mo yan,na tumitig sa akin ang kapatid ko,at sinabing ate yakapin mo ako,ate mahal na mahal kita mama,papa mahal ko din kayo na lalong akong napahagulgol na akala ko ay    magpapaalam na sya.na tiningnan nya ako at sinabing ate wag kang umiyak ayoko na ganyan ka ayokong nakikita kang umiiyak na nung sandaLling yun  ay tumigil ako at sinabing di ako naiyak bagkus masaya lang ako dahil nakita kita.ng oras na yun ay walang magamit na sasakyan kaya nagpa kapal na ako ng mukha sa mga tao sa ospital nakitext at nakitawag ako.umiiyak ako ng araw na yun kaya naman sa paglabas ko ay may biglang dumating na ambulansya kasabay ng taong may dalang sasakayan na hiningan ko ng tulong ito ay si Rabby Calabia at Ester Calabia.

     Habang isinasakay ang kapatid ko ay dumadaing ito ng masakit ang katawan nya na, naaawa ako at nasabi ko sa sarili ko na sana ako nalang ang nakaranas nun.pag- kapasok sa sasakyan ay agad akong pumuwesto sa unahan ng sasakyan na sinabi nila na maiwan na ako pero di ako nakinig.kasama ko ang pinsan ko na syang, nagpapatatag ng loob ko na lakasan ko raw ang loob ko wag ko raw ipakita na maging,  ako ay nahihirapan na sagot ko naman ay bakit ganito pa ang dapat pagdaanan ng kapatid ko.habang nasa biyahe kami ay lagi kong tinitingnan ang kapatid ko.

     Ganap na alas-diyes ng makaraking kami sa Regional Hospital sa batangas.pagdating naming dun ay agad inilagay sya sa kwarto upang makahiga ng ayos kasama ang aking mama at papa.Habang ako naman ay nasa labas dahil bawal ang madami,ay sya naming pag sabi ng tita at pinsan ko na aalis na sila upang makahanap ng pera upang may magastos kami.
     Lumipas ang araw  nalaman naming na may sakit pala ang kapatid ko sa utak na   dapat raw ay nuon ay pina check-up na namin.ngunit di kami nawalan ng pag-asa,bagkus kung anung sabihin ng nurse ay ginagawa namin.at naging maayos naman ang kapatid ko.ngunit kinailangan ng papa  kong umalis upang maghanap ng pera sapagkat wala na kaming pangggastos.at ng umalis si papa ay kaming tatko ang naiwan hindi naging madali ito sa akin sapagkat wala akong makasama sa pag tulog ko sa labas.nakakapasok lang kasi ako sa loob pag alas-9 hanggang 6:00 na hapon.kaya naman nilulubos ko ang pag pasok dun na tumatago ako sa banyo para lang hindi mapalabas ng guwardiya.at minsan ay nanghihiram ng gate pass upang makapasok na nuon ay may  mabuting tao na tumutulong sa akin upang makapasok sa loob.

     Sa pag-lipas na araw ay di pa rin dumadating ang papa ko.kaya naman napagdisisyonan ko na din na magpatuloy sa pag-aaral.at nang magtext ako sa amin ay di pa raw nakakahanap kulang pa raw kaya naman napagdisisyonan namin na ilabas na ng lunes ang kapatid ko.sapagkat medyo maayos na sya.linggo ng mapag usapan naming ni mama yun. yung araw ding yun ay tinawagan ko ang kapatid ko at ipinakauasp ko ito sa kapatid ko.na sabi ng kapatid ko kina Jessie ay mis na mis na raw nya ito at gusto na raw nya ito Makita.na sabi ng mga kapatid ko ay mis kana rin naming magpagaling ka.matapos yun ay naging masaya sya.
     Araw ng lunes ay hindi kami pinayagan na ilabas sya.kaya naman wala na kaming nagawa kundi hintayin si papa.hapon ng dumating sya at may nakuha naman syang pera sa mga taong hiningan nya ng tulong.balik sa dati ang gawain naming ni papa pareho kaming natutulog sa labas habang si mama ang nagbabantay.

       Martes ng umaga ng makapasok kami ni papa,at napag usapan namin  na medyo matagal na kami sa ospital at malaki laki na rin ang bill namin.kaya naman muli na naman umalis si papa upang asikasuhin ang philhealth nya.umalis si papa na ganun na naman ang gawin ko.kinahapunan habang kumakain kami ni mama ay pinakain naman ni mama ang kapatid ko habang kumakain ito ay twang-tuwa ako. Dahil malakas syang kumain hindi tulad nuon.nagkataon naman pagkatapos nyang kumain ay dumumi sya na dinala namin sa banyo at dun at hinang-hina ako dahil sa aking nakita hinang-hina at halos hindi makatayo na para bang lantang gulay na ako nuon ang naghuhugas sa kanya habang hawak ni mama.kaya naman binuhat ko sya papunta sa higaan nya. Nang gabing yun humingi ulit sya ng pagkain pinakain namin  sya ng lugaw at pinakain sya ni mama.pagkatapos mapakain ay matulog na sana kami na nuon ay nakapagtago ako upang di makalabas.ng biglang nalang tumarak ang mata ng kapatid ko na dali-daki akong lumabas upang tumawag ng nurse na pagdating ng nurse ay pinump nila ito na akala namin  ni mama ay wala ng pag-asa.kinailangan syang lagyan ng oxygen na tinanung sa akin ni mama na kung magiging maayos pa ang kapatid ko na sagot ko ay opo.na di ko sinabi na tanging ito nalang ang nagpapahinga sa kanya.dahil ayokong mag-alala sya.sabay nito ay tumawag ako sa pinsan ko alas-dyis ng makontak ko sila at sinabi ko na iba na ang lagay ng kapatid ko na kailangan pumunta si papa na agad naman silang umalis.

          Magaalas-kwatro na makarating sila dahil walang magamit na sasakyan.ng makarating sila ay tulog ang guwardiya kaya naman isa-isa kamimg pumasok na una ako na sinundan ako ng tiya,Tiyo na ninong ng kapatid ko,at maging ang bagong konsehal sa amin.nang makapasok na kami ay agad tiningnan ng mga kasama ko ang kalagayan ng kapatid ko na halos ay maiyak sila ng sandaling iyon ay agad din silang umalis dahil baka Makita sila ng guwaridya at kasabay nito ay umalis na sila.pag-alis nila mga ilang oras palang ang nakakalipas ay sinama ang kapatid ko,na para bang hinang-hina na ginagawa ng nurse ang lahat.ikapiyo ng umaga ng binawian ng buhay ang kapatid ko.kitang-kita ko maging ni mama kung paanu binawian sya na sa oras na yun  ay lumalaban pa sya na tumutulo ang luha nya na nilapitan ko sya kahit may ginagawa ang mga nurse at sinabi kong kung nahihirapan kana ay magpahinga kana mahirap man ay tatanggapin namin mahal na mahal ka namin tandaan mo yan,nuon kasi ay huli na ang lahat para malagyan pa ng sunda ang ari ng kapatid ko na syang dahilan kung bakit hindi sya makaihi,at kung iihi ay hirap ito.at pagkasabi ko sa kanya ay binawian na sya na buhay.kasabay nito ay tumulo ang luha ko maging sina mama at papa.na sinabi ko kay mama tanggapin na natin may may plano ang Diyos kung bakit nya kinuha sa atin si john paul.tatagan mo ang loob mo mama.dun masaya na sya kasama ang Diyos.pagkasabi ko sa kanya ay agad akong tumawag sa kapatid ko hindi ko agad masabi sa kanila,dahil maging ako ay hindi makapaniwala sa nangyari.at nang makontak ko ang kapatid ko ay sinabi kong wala na si john paul patay na sya na sagot ng kapatid ko ay hindi…bakit?pagkatapos makausap ay pinatay ko na ang cellphone.

        8:00 ng umaga ay inayos ko ang mga gamit naming,habang si papa ay nag-aasikaso ng bayarin.pagkatapos nuon ay dinala na ang bangkay nya sa San Gabriel.pagkadating naming dun ay lahat kaming magkakapatid ay niyakap  ni mama at sinabing wala na si john paul iniwan na nya tayo duon tumulo ang mga luha namin.
Pagdating ng kabaong ay agad lumapit ang mga kapatid ko at tiningnan. lahat kami ay, naging emosyonal sa araw na yon.na ang mga kapatid ko ay nagsisisi sa mga maling naipakita nila dito.bilang panganay ay nilapitan ko sila at sinabing tamana tanggapin na natin may plano ang Diyos kung bakit kinuha nya sa atin sya.at lumipas ang araw ay d pa rin matanggap ng mga kapatid ko maging ako.hanggang sa Makita namin na tumulo ang luha  ng kapatid kong nasa kabaong.na sabi ng tita ko ay tanggapin na namin.

       Araw ng lingo dadalhin na sya sa huling hantungan nya,dun naming sya pinabasbasan sa simbahan naming na first fundamental Baptist church na kung saan ay aktibo ang kapatid ko sa gawain sa panginoon.
       Matapos ang misa ay dinala na sya sa libingan,bago sya ipinasok ay isa-isa namin tiningnan sya.at yun ipinasok na sya na humugulgol na kami na iyak.
      Kasabay nito ay umalis na kami.pagdating sa bahay ay sinabi ni mama na ipagiba na ang bahay naming at magtayo ng bago at nangyari nga ito.sa ngayon ay medyo tanggap na ng mga kapatid at magulang ko ang nangyari.sa ngayon ay pitong buwan na syang patay na parang kalian lamang.na nuon ay nagpatuloy ako sa pagpasok na pinagbigayan pa ako ng pagkakataon ng mga guro ko.
Ito naman ang litrato ng mga kaibigan ko na silang
nagpapasaya sa kabila ng mga pinagdadaanan ko.
Yan ang mga kaibigan kong sina rodney,ako,gissele,lovely,ruby,rhea,maricris.












  




 Kaya naman nagpapa Salamat ako sa Diyos na lagi syang nandyan para sa amin,maging sa mga taong tumulong sa amin.at sa aking pagtatapos sa High-School ay gagawin ko ang lahat wag lang maranasan ng mga kapatd ko ang naranasan ko sa buhay ko.hindi madali ang lahat ng ito pero dahil sa panginoon ay nakakaya ko ang lahat.
Nawa ay kapulutan nyo ng aral ang aking talambuhay na huwag tayong mawalan ng pag-asa.  Bagkus sa Diyos tayo magtiwala.

No comments:

Post a Comment