![]() |
me, my self and I |
Ako si Diane Carla A. Opeña mas kilala sa tawag na Yanna. Ipinanganak ako noong Septemger 14, 1992. Bunga ako ng pagmamahalan nila Nelia at Johnny, ang aking mga magulang. Pero sabi ng mga mapanghusga anak daw ako ng pagkakasala. Kahit pa yama sila masakit pa din tanggapin ang katotohanan. Sa araw ng aking pagsilang nagging lubos ang kaligayahan ng aking pamilya, lalo na ng aking ina. Lmaki ako ng hindi ko man lang nakasamaang aking ama kaya madalas akong tuksuhin noon ng “putok sa buho”. Never nagkwento sa akin ang mother ko about sa father ko, kahit sino sa mga kamag anak ko wala akong makuhanan ng impormasyon. Hanggang sa dumating yung time na nagsawa na din ako sa kakatatanong sa kanila. Habang lumalaki ako sagana ako sa lahat na bagay, nasanay din ako ng nakukuha ko ang lakat ng gusto ko, binansagan nga nila akong spoiled brat.
![]() |
my self |
Bunga ng lahat ng kaguluhan nagging rebelde ako noon, ang dating sweet and innocent Diane biglang naglaho.Sa edad na 12 natuto akon magbisyo. Alak, sigarilyo, sugal at barkada yan ang nagimg karamay ko noong mga panahon na yun. Pero dahil sa bisyong yun muntik na akong “mapahamak”. Doon na biglang natauhan si mama, kaya nagdesisyon sya na ilayo ako sa San Pablo. Isang kaibigan ang nagpayo kay mama na dalhin ako sa Hospici de San Jose(isang institusyon para sa mga kabataan na nagkakaroon ng problema sa pag uugali at sa mga kabataang rebelde). Maganda ang pamamalakad doon kaya pumayag na din si mama. Inilihim nya sa akin ang pag aasikaso ng mga papeles ko dahil alam nya na pag nalaman ko yun siguradong hindi ako papayag na dalhin doon.
June 4, 2005 noong ipasok nila ako doon. Iyak ako ng iyak noon kasi feeling ko hindi na ako mahal ng nanay ko , pero unti-unti nilang pinaliwanag sa akin ang dahilan kung bakit ako dinala doon ng nanay ko. Sa umpisa hirap na hirap akong mag adjust. Nasanay kasi ako sa buhay prinsesa. Pero hbang tumatagal nsanay na din ako. Weekly nagkakaroon kame ng session sa isany psychologist. Binigyan ako ng chane makapag aral , tinetraine nila ang lahat ng kabataan para maging isang responsible and independent na tao. Iminulat nila kame sa realida ng buhay, na hindi habang panahon ay buhay an gaming magulang upang gumabay sa amin. Dahil darating ang time na iiwan din kame ng parents namin. Puno ng challenge ang nagging buhay ko doonpero masaya natuto akong mag aral na mabuti. Natutunan ko ding magpahalaga sa mga bagay na nasa paligid ko. At higit sa lahat natutunan ko gdim pahalagahan ang mga taong nasa paligid ko.
Nagbunga lahat ng pinaghirapan ko palagi akong nasa “top” at nakakakuha ng mga prebelihiyo. Lagi din akong kasama sa mga outing. Marami ang humanga sa akin pati mother ko proud sa akin. na lingid sa akin sa aking kaalaman ay lagging tumatawag doon para kamustahin ako..(nagtatrabaho kasi si mama sa Batangas bilang cook) Kung marami ang humanga sa akin, marami din ang nagalit, ang dahilan ay inggit at selos. Pati mga kaibigan ko unti-unting lumlayo amg loob sa akin. Wala na akong naging kakampi noon. Down na down ang pakiramdam ko noon. Walang gustong makipag usap sa akin, pati house parent namin malayo na din ang loob sa akin. Halos mabaliw ako sa sobrang sama ng loob, kasi hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko noon..
![]() |
ako si yanna! |
Akala ko noon sa paglabas ko magiging maayos na ang buhay namin, pero hindi pa pala. Tago ng tago kasi kame noon para kameng kriminal na tumatakas . Sa huli napagod na din ako, sabi ko kay mama kung hindi na magiging maayos ang buhay namin sa Maynila, bakit hindi na lang ulit kame umuwi ng San Pablo. Pinag isipan ni mama ang suggestion kung iyon, kaya pumayag din sya.
August of 2006 muli kameng umwi ng San Pablo ang bayan aking sinilangan. Sa pag-uwi naging maganda ang buhay namin, nakahanap ulit si mama ng bagong trabaho, kaya noong mag pasukan. ini enrol nya ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, bilang isang 2nd year High School.
June 04, 2007 ng magsimula ang klase sa dizon. Sa simula kabado ako, syempre baka kasi wala akong maging kaibigan, tapos inisip ko baka mahirap pakisamahan ang maga tao doon. Pero napatunayan ko hindi mahirap pakisamahan ang mga tao dito sa Dizon, lalo na yung mga guro. Mas mahirap pa nga makibagay sa mga tao sa Maynila.
![]() |
me (diAnE) |
Kaya ngayon ito naging maayos ang buhay ko. Sa ngayon 4th year Hig School na ako. Isang buwan na lang at gagraduate na ako. Ang araw na pinakahihintay ko. At sa araw na iyon nais kong pasalamatan ang mother ko na walang sawang sumusuporta sa akin, sa mga kaibigan ko na naging kakampi ko at higit sa lola ko na kahit galit sya sa akin hindi pa din nya ako naagawang pabayaan. Salamat po!
No comments:
Post a Comment