Thursday, February 3, 2011

SWEET LIFE (talambuhay ni Esperanza Marie A. Macaibay)

kasama ko ang papa at ang lola ko!!!
April 14, 1991 sa Madonna and Child Hospital (Cagayan de Oro City) ako ay isinilang. Ang aking mga magulang ay sina Marissa at Reynaldo Macaibay. Pang apat ako sa aming magkakapatid. Ayon sa aking mama kumpleto ang aming pamilya sa ospital noong araw na iyon. Masaya at magulong nag-uusap kung ano nga ba ang pangalan na ibibigay nila sa akin. Gusto ng aking papa na isunod ito sa pangalan ng kanyang mama (aking lola) na si Esperanza. Dahil ang padre de pamilya na ang nagsabi wala na silang nagawa kundi sundin ito. Dinagdagan na lamang ng aking mama ang aking pangalan ng Marie. Kaya ako ngayon ay si Esperanza Marie A. Macaibay.
        
picture ng buong pamilya
      Sa ngayon ay wala na masyado akong naaalala sa mga nangyari sa akin noong ako ay bata pa. Sa kadahilanang  noong bata pa ako ay nadiagnose ako ng doctor na meron akong Maistimia. Kung saan merong ugat sa aking mata na may irregularities na habang ito ay ginagamot ay maaaring maapektohan ang aking mga alaala o pagkakaroon ng  “memory gap”. Ang tanging nagpapakita sa akin ngayon kung ano ang mga pangyayaring naganap sa aking kabataan ay ang mga larawan namin.

its me!!!
        Base sa mga larawan na ipinakita ng aking mama sa akin, masayang masaya ang aming pamilya. Tuwing may okasyon ay buong nagtitipon – tipon ang mga kamag – anak. Palagi kaming nagkakaroon ng family outing. Marami narin kaming napuntahang iba’t ibang mga lugar dito sa Pilipinas. Sa tuwing nakikita ko ang mga larawang ito magkahalo ang saya at lungkot. Masaya dahil naiimagine ko yong mga pangyayaring iyon sa buhay ko at malungkot dahil nawala sa akin ang isa sa pinakamahalagang alaala ng buhay ko.


me again
          Ang buhay, hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya, ang bawat pamilya ay nagkakaroon ng problema. Ang pamilya namin ay dumating sa puntong iyon. Naluge ang negosyo ng aking pamilya, na siyang naging dahilan upang kailanganin ng aking mga magulang ang lumuwas sa maynila at iwan kami ng aking mga kapatid sa aming lola upang makapag simula ulit. Hindi naging prolema ang aming pag – aaral dahil pinag – aral kami ng aming lola sa magandang paaralan. Simula daycare hangang kinder garden ay sa International School (I.S) at elementary sa Liceo de Cagayan University ako nag – aral. Pagkalipas ng ilang taon isa – isang kinuha ng aking mga magulang ang aking mga kapatid. Ako at ang isa kong ate na si Nikki ay naiwan sa aking lola dahil hindi pa nila kayang pagaralin kaming lahat. Noong mga panahong iyon ay bale wala pa sa akin ang mga pangyayaring iyon sa buhay ko, siguro kasi bata pa ako at hindi ko pa alam ang mga bagay bagay na nangyayari sa paligid ko. Masaya kami sa piling ng aming lola, pinalaki kami ng maayos, binibigay lahat ng gusto namin. Tuwing bakasyon ay binibisita namin ang aking pamilya dito sa Luzon. At pagsapit ng pasukan ay uuwi na ulit sa Mindanao, ganon lang ng ganon every year. Sa paglipas ng panahon, unti unti kong nararamdaman sa sarili ko na may kulang sa pagkatao ko. Noong una hindi ko pa alam kung ano yun’ pero nung once na nagkaroon ng family day  sa school namin doon ko narealize na ang pamilya ko ang kulang. Masaya ako sa lola ko , pero iba parin talaga kapag kumpleto ang pamilya. 
           
when i was grade 5
             Nastroke ang papa ko nagalala kaming lahat, after few years nag – decide si lola na iuwi na sa minadanao si papa. And after a few months, kasisimula lang ng pasukan noon,  June 6, 2002 nasa school na ako. Biglang dumating ang ate ko na umiiyak ang tanging nasabi niya lang sa akin ay “wala na si papa”. Hindi ko naintindihan kong anong ibig niyang sabihin noon it takes time bago ko naintindihan yung sinabi niya. Tumakbo ako pauwi ng bahay hoping na sana buhay pa si papa. Sa labas ng gate ang daming tao at may ambulansiya na rin pero huli na. Sa pag – akyat ko sa third floor sa kwarto ni papa nandoon na ang mga kamag – anak namin. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakatulala lang ako at nakatingin kay papa na parang natutulog lang. Masakit para sa akin kasi matagal ko siyang hindi nakasama at halos hindi ko man lang maalala kung ilang beses ko nasabi sa kanya ang “I love you” at wala akong naaalalang magandang memories naming dalawa. Sa pangyayaring iyon hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin, nagloko ako sa pag – aaral, at napabarkada. Napansin ng lola ko na hindi na niya ako kayang bantayan, kaya nagdesisyon siya na ibalik na ako sa aking mama. Tatlong beses ako nag third year una sa San Pablo Colleges ikalawa sa M.S.C at ikatlo ay nagdisisyon ang mama ko na sa manila ako paaralin para mailayo ako sa mga barkada ko dito. Doon nakatapos ako ng third year pagdating ng fourth year ay pinili kong tumigil sa pag – aaral. Makalipas ang isang taon na walang nangyayari sa buhay ko, nag sawa ako sa kakatambay at laging walang ginaganawa, nagdisisyon ako na mag – aral ulit at tapusin ang aking pag – aaral. Para na rin sa ikabubuti ng aking buhay at para sa mga sakripisyong ginawa ng aking magulang lalong – lalo na ang aking lola na hangang ngayon ay sumosoporta pa rin sa akin.   

my present picture
               Ngayon pinag - papatuloy ko ang aking pag - aaral sa Col. Lauro D. Dizon MNHS. Masaya ako sa pag - babalik aral ko. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. At mga Mababait na guro. Malapit na matapos ang taon. Nakakalungkot man isipin pero marami sa mga bago kong kaibigan ang hindi namin makakasama sa graduation. kahit ako nag - nagkakaroon parin ako ng doubt kung makakagrauate na ba ako.  Pero ang higit na nakakalungkot ay ang isipin na pagkatapos ng graduation ay marami na sa amin ang mahihiwalay at hindi na namin makikita. Pero kahit ganon nagpapasalamat ako sa mga naging bahagi at tumulong sa pag -aaral ko. sa mga kaklase ko na laging nandiyan at karamay. Sa lahat ng mga guro na matiyagang nagtuturo sa amin.
  

No comments:

Post a Comment